Friday, October 7, 2011

Siguro Sigurista

Ang pakikipagnegosasyon ay isang bagay na 'di ko masyadong gusto. Dito ko napansin na iba na talaga ang mga tao ngayon. Halimbawa, dati ang mga tao ay mas mapagtiwala. Ang salita mo ay sapat na para sila ay maging kampante. Ngayon, lahat ay kinakailangan na ilagay sa papel, mula sa mga resibo at pati ang mga simpleng pangako.

Mga tao pati dati, pag may iuutos ka, kikilos agad at hindi agad maghihintay ng bayad at kapalit.

Siguro nga kailangan natin ang tamang dokumentasyon. Sabi nila, pag-iwas ito sa mga mapagsamantala at proteksiyon sa iyong mga ari-arian, pero bakit lahat na lang kailangan? Kaya rin nauuso ang red tape.
Minsan mamadaliin ka at wala silang pakelam. Detachment. Wala lang, walang pakelam. Masyado lang sa sarili ang iniisip at laging na lang inuuna ang sarili. Minsan sinabihan ko si Meow na OK ang magbigay pero unahin ang sarili, ngunit kung hindi ka naman maabala, bakit hindi?

Ang second most influential book sa America nung 1991 (kasunod ng Bible) ay ang Atlas Shrugged ni Ayn Rand. Sa librong yun, self-interest ang tema, at kapitalismo ang kalakaran sa buhay, politika at moralidad. Aaminin ko na malaki ang naging impluwensiya noon sa akin nung ako ay nasa kolehiyo hanggang ma-realize ko na mas masaya mabuhay, magbigay at tumanggap ng walang hinihinging kapalit. Nagbasa ako ng Time Magazine nang nakaraang linggo at may article kay Ron Paul* at nabanggit ang Atlas Shrugged dun. Tayo daw ay nabubuhay sa dystopian society tulad ng kay Rand sa libro.

I gotta hand it down to Rand to write a thought-provoking piece of literature, but as a philosophy, no, no, NO! The world is full enough of greedy people as it is.

Minsan, ija-justify natin ang paninigurado natin para sa ating proteksiyon. Pero baka di na lang natin mamalayan na ginagawa na natin sa ibang tao ang bagay na hindi natin gustong gawin sa sarili natin. In the end, lahat tayo nagiging halimaw (na nag-iisip na tayo ay mabuti kasi ginagawa lang natin ang mga bagay na ito para di tayo malamangan) dahil swapang tayo.

This is a note for myself... that I should never be too egoistic and not love money too much.

In tagalog, para di ko makalimutan (pag nagka-episode ako ng English amnesia), di ako dapat maging gahaman.

*Ron Paul ay isang politiko sa Amerika (at sinubukan maging Presidential political candidate) na nagawang mahulaan ang fiscal crisis ng mga nakaraang taon.

No comments:

Post a Comment